Wednesday, December 30, 2020

TAGALIZED KDRAMA, ANIME, AT BL SERIES, MAPAPANOOD SA POPTV

Mas enjoy, mas Pinoy dahil naka-dub!

 



Mas mae-enjoy mo na ang panonood ng mga paborito mong KDrama, BL series, anime series, at iba pang international content dahil lahat ito Tagalized o naka-dub sa Filipino sa pinakabagong mobile streaming app na POPTV.

 

Tiyak mas dama mo ang bawat eksena dahil wala ng subtitle na kailangan sundan o basahin pa. Higit sa lahat affordable pa ito sa halagang P49 lang.

 



Kung KDrama fan ka, available for streaming ngayon sa POPTV ang Korean series na “World of the Married,” “Sky Castle,” at “Dr Romantic 2.” Mapapanood din tagalized ang Korean movies na “A Werewolf Boy,” “Spellbound,” “Thread of Lies,” “Finding Mr Destiny,” at “Miss Granny” kung saan tampok ang mga sikat na Korean idols tulad nina Song Joong-ki at Gong Yoo.

 



Pagdating naman sa anime series, naka-dub na mapapanood ang “Food Wars,” “How Heavy are the Dumbbells you Lift?” at “My Hero Academia.”

 

Kung BL series naman ang hanap mo, freshly dubbed dito ang “Dark Blue Kiss” starring Tay Tawan at New Thitipoom, at “SOTUS” starring Krist Perawat at Singto Prachaya.

 

Para i-download ang app, hanapin lang ang POPTV PINAS sa Google Play, Huawei App Gallery, at Apple App Store. Mapapanood mo lahat ng palabas sa POPTV sa halagang P49 lang valid sa loob ng tatlong buwan. Mayroon ditong local movies (blockbusters, indie at classics) at tagalized Pinoy foreign favorites (KDramas, animes, BL series, asian movies, at marami pa). Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa facebook.com/poptvph o bumisita sa official website na www.poptv.ph.

No comments:

Post a Comment

Get Widget