Wednesday, November 14, 2018

BG Productions International gagawa ng horror film sa Dumaguete

Patuloy sa paghataw ang BG Productions International ni Ms. Baby Go. Katatapos lamang ng produksyon ng pelikulang "Latay" na pinagbibidahan nina Allen Dizon at Lovi Poe mula sa direksyon ni Ralston Jover. Uumpisahan na ngayong December ang horror-gothic film ni Direk Joey Romero kung saan kukunan ang ilang eksena sa Dumaguete. 

Pagbibidahan siya ng Kapamilya lead actress ng "Kadenang Ginto" na si Beauty Gonzales at kapamilya "hunk actor" na si Enzo Pineda kasama sina Polo Ravales, Ms. Universe 3rd runner up Ariella Arida at Mr. World Philippines JB Saliva. May espesyal na pagganap ang ilan sa BG Talents na sina Kate Brios, Wayne Calderon and Winter Calderon, " Hipnotismo"(working title) . Kuwento siya ng "newly wed couple (Beauty and Enzo) na nag honeymoon sa Dumaguete. Sa pagtira nila sa lumang bahay ay daraan sila sa mga nakakalibot na karanasan na halos muntik na nilang ikapahamak. 

Si Direk Joey Romero ay anak ng batikang "national artist for film" na si Eddie Romero. Matatandaan na siya ang nag-direk ng horror film na "Vampira" na pinagbibidahan ng "diamond star" Maricel Soriano. Nagwagi ang "Vampira" ng best film sa prestihiyosong YCC (Young Critics Circle). Ang co-writer ni Direk Joey Romero sa pagsulat ng script ay ang award winning screenwriter na si Eric Ramos na sumulat ng pinag uusapang MMFF entry na "Rainbow‘s Sunset". 

Passion ko na talaga ang pag-prodyus ng pelikula. Hindi mawawala sa sistema ko ang paggawa ng pelikula sa aking kumpanya. Matagal k0 ng pangarap ang makapag-prodyus ng "horror film". Nakakatuwa na sa Dumaguete, kung saan ako pinanganak at lumaki ang location. l-explore sa movie ang kagandahan ng Dumaguete..." pagwawakas ng prolific lady producer Baby Go. 

No comments:

Post a Comment

Get Widget