Friday, September 7, 2018

Protect The Ones You Love with MiGuard


Dahil sa kaliwa at kanang krimen sa bansa, marami ang nababahala para sa seguridad ng kanilang pamilya. Wala na kasing maituturing na ligtas na lugar sapagkat ilan sa mga krimen ay nangyayari mismo sa loob ng tahanan. 

Batay sa istatistikang inilabas ng Philippine National Police (PNP) nasa kabuuang bilang na 1,040, 987 ang naitalang krimen mula noong taong 2016 hanggang 2018. 

May bilang na 19, 210 ang pinatay sa panahong ito samantalang mahigit sa 50,000 kaso naman ng pagnanakaw ang naitala. 

Ayon naman sa Center for Women’s Resources, isang babae o bata ang kalunos-lunos na nagiging biktima ng panggagahasa kada oras sa ating bansa. 

Upang makatulong sa pagsugpo sa laganap na krimen sa bansa, isang makabagong teknolohiya para sa seguridad at kaligtasan ang hatid ng Green Energy para sa sambayanang Pilipino, ang MiGuard Security Alarm System. 

Kalakip sa MiGuard Security Alarm System Premium Package ang ilang aparato na idinisenyo upang mapigil ang iba’t ibang krimen na posibleng maganap sa kanino mang tahanan. 

Kasama sa Miguard Security Alarm System Premium Package ang mga sumusunod na aparato: 

  • Pan&Tilt HD IP Camera 
  • Motion Detector 
  • Door Sensor 
  • SOS Button 
  • Medical Button 
  • Gas Detector 
  • Water Leak Detector 
  • Smoke Detector 
  • Remote Controls 

“Misyon ng MiGuard na mabigyan ng proteksyon ang bawat Filipino lalo na sa krimen. Naninindigan kami sa aming tagline na We Want You Safe,” pahayag ni MiGuard President Manuel Siquian Jr. 

“Hindi lamang mga mahal ninyo sa buhay ang nais naming proteksyunan, bagkus maging ang inyong tahanan na inuuwian ay nais naming ingatan. Para maiiwas ito sa sunog gayundin sa problema sa baha na kinakaharap ng maraming mating kababayan sa tuwing panahon ng tagulan,” dagdag pa ni Mr. Syquian Jr. 

Bukod dito, kasama rin sa MiGuard Security Alarm System Premium Package ang Medical Button na ang pakay naman ay mabantayan ang kalagayan ng mga matatandang madalas naiiwan sa mga tahanan. 

“Para sa anomang kaso ng emergency, partikular sa Quezon City ay mayroon na tayong 24/7 na command center na tutugon sa kanilang kailangan na tulong sapagkat tayo p0 ay mayroong ugnayan sa PNP, Bureau of Fire and Protection at mga pampublikong Ospital sa lungsod. Ang aming misyon ay makapagbigay ng kahalintulad na serbisyo sa buong bansa sa mga darating na panahon,” pagtatapos ni Mr. Siquian J r. 

Para sa inyong katanungan at dagdag pang kaalaman ay maaari ninyong tawagan ang kanilang hotline number sa 717-9806 0 bumisita lamang sa kanilang website sa www.miguard.net 

No comments:

Post a Comment

Get Widget