Friday, May 6, 2016

QUEEN OF INDEPENDENT FILM PRODUCER, MS. BABY GO HINDI HIHINTO SA PAGGAWA NG PELIKULA


Sa pagbubukas at blessing ng Opisina ng BG Productions na pag-aari ng business woman Ms. Baby Go ay hudyat na patuloy siya sa paggawa ng maraming pelikula, Ginanap ang "blessing" sa kanyang bagong opisina sa Shaw Boulevard, Mandaluyong. Dinagsa ng media, importanteng personalidad mula sa NBI at Philippine Chinese Chambers of  Commerce Mandaluyong chapter, media,mga "film director" at mga artista ang nasabing blessing.


...." Simple lang ang Opisina ko pero maganda ang location malapit siya sa lahat.Bukod sa Production Office, iyong ibang negosyo natin gaya ng BG Beauty soap at "painting gallery" dito ang sentro. Ako mismo ang nag-interior nito, "hands on" ako talaga. Eto na ang pinaka-bahay ng aking mga staff., ang mga direktor ko may kanya-kanya silang table kapag bumibisita dito...." masayang pagku-kuwento ni Ms. Baby Go.

Nagsimula ang pagpo-prodyus ng BG Productions 2013 sa katuwaan na isama sa eksena ang apo ni Ms. Baby Go sa pelikulang Lihis ni Direk Joel Lamangan. Kapwa kliyente ng parehong banko si Ms, Baby Go at Direk Joel Lamangan, ang "middleman" ay si Mr. Romeo Lindain. Agad-agad, natuloy ang pagsasapelikula, kung saan gumanap na "baby" ni Lovi Poe ang apo ni Ms. Baby then rest is history.


Sa kasalukuyan ang BG Productions ay naka-sampu ng pelikulang tapos eto ay ang mga sumusunod: Lihis, Lauriana, Bigkis,Homeless, Child Haus, Iadya Mo kami, Sekyu, Laut,Tupang Ligaw at Siphayo. Nag-umpisa ng mag-shooting ang pelikulang "Area" na pagbibidahan ni Ms. Ai Ai Delas Alas mula sa direksyon ni Louie Ignacio at ang "Balatkayo" na nag-shooting sa "Singapore","Dubai" at "Abu Dhabi" mula sa direksyon ni Neal Tan. Sa darating na buwan ay mag-uumpisa na ang pelikulang "Nuclear Family" mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamana at ang "horror film" na "Smell Of Fear" na pamamahalaan ng Italian Director na si Paolo Bertola.

Kapuri-puri ang sunud-sunod na pagkapanalo ng BG Productions sa mga International Film Festival kung saan personal na dinadaluhan ni Ms. Baby Go. Sa umpisa ng taon ay nanalo ng "Best Children Film" ang kanyang pelikulang "Child Haus" sa 14th Dhaka International Film Festival in Bangladesh. Nasundan eto ng pagkapanalo ng pelikulang "Laut" (directed by Louie Ignacio)sa 35th Fantasporto International Film Festival in Portugal bilang "Special Mention Jury Prize award" at nakuha ni Barbie Forteza ang Best Actress Award sa nasabing Film Festival. Ilang araw lang ang nakakalipas, nagwagi naman si Allen Dizon ng Best Actor sa 4th Silk Road Film Festival sa Ireland para sa pelikulang "Iadya Mo Kami" ( directed by Mel Chionglo). Pagkatapos nito ay wagi ng Silver REMI Awards sa 39th Worlfest International Film Festivalsa Houston Texas. Nominated for Best Director si Direk Joel Lamangan para "Sekyu" sa 2016 Madrid International Film Festival. In competion ang "Laut" sa isang International Film Festival sa New York this June at ang "Iadya Mo Kami" in competition sa International Film Festival sa Italy na gaganapin sa September..

...." Nakaka-inspired kasi kahit paano, nakikilala na ang mga pelikulang nagawa ng BG Productions, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa abroad kaya Proud Pinoy ako everytime na nananalo kami sa ibang bansa...." dagdag ng lady producer.

Bagama't "independently produced" pero kapansin-pansin na "maindie" projects ang mga pelikulang nagagawa ng BG, malaki ang casting at may production values na maipagmamalaki. Binalita rin ni Ms. Baby na magkakaroon sila ng mga sariling BG Productions contract stars and talent na ipi-present niya sa media very soon.


..." Excited na ako sa mga pelikulang gagawin pa namin tuloy-tuloy na talaga tayo sa ganitong negosyo. Salamat sa major TV Network at "foreign distributor" na bumibili ng aming mga pelikula. Malay ninyo makagawa rin kami ng "mainstream" at "commercial" film na pipilahan sa takilya..." pagwawakas ng Queen of Independent Film Producer.

No comments:

Post a Comment

Get Widget