Tuesday, February 16, 2016

KILIG-KWENTUHAN WITH ALDEN RICHARDS AND MAINE MENDOZA


Ngayong Miyerkules, tuluy-tuloy pa rin ang selebrasyon ng buwan ng mga puso sa TWAC! Tiyak
na mapupuno ng kilig-kwentuhan ang inyong gabi at mapapa-'Aldub You' kayo, dahil sa mga 
espesyal na panauhin ni igan Arnold Clavio - walang iba kundi ang tinaguriang 'Phenomenal 
Love Team' na ALDub, na binubuo nina Alden Richards at Maine 'Yaya Dub' Mendoza!

Matatandaang sa mga nakaraang pagbisita ni Alden sa TWAC, 'Tay' kung tawagin ni Alden si 
igan Arnold Clavio. Kaya naman sa Miyerkules, tila may pormal na pagpapakilalang magaganap 
sa pagitan nilang tatlo! Ano naman kaya ang masasabi ni igan tungkol kay Maine?

At sa mga inihandang pakulo ni igan, kung saan mabubuking na raw ang tunay na 
nararamdaman ng dalawa para sa isa't isa, tiyak na kikiligin ang buong Aldub Nation!

Tulad ng challenge na 'Sino ang Mas?'  kung saan malalaman natin ang pagkakaiba at 
pagkakapareho ng ugali, mga gusto at ayaw nina Alden at Maine. Sino nga kaya sa dalawa ang 
mas sweet, mas makulit, mas matampuhin at marami pang iba.

Abangan din ang matatamis na mensahe nina Alden at Maine para sa isa’t-isa, sa masaya at 
nakakikilig na 2-part interview na ito.

Makilahok sa nakatutuwang kwentuhan! I-follow ang TWAC sa twitter: @TWACofficial at 
gamitin ang hashtag na #ALDUBYOUTWAC #ALDUBONTWAC!

At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, ilike ang aming facebook: 
www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio

No comments:

Post a Comment

Get Widget