Saturday, September 19, 2015

GMA Afternoon Prime has a new darling in Ken Chan


Gaganap bilang isang transsexual woman ang GMA Artist Center star na si Ken Chan sa pinakabagong afternoon prime series ng Kapuso network na Destiny Rose.

Napabilib ni Ken ang production team nang sumabak ito sa audition para sa nasabing role. At bagaman inamin niyang mahirap gampanan ang isang transsexual woman ay handa siyang tanggapin ang hamon ng karakter na ito.

“I have always wanted to act, at isa sa mga gusto kong gawin bilang artista ay mag try nang mag try ng iba’t ibang role. Challenging ito, pero handa akong pag-aralan ang role ng mabuti,” pagbabahagi ng Kapuso star.

Malaki rin ang pasasalamat ni Ken sa kanyang mga fans, lalo na sa GMA Network sa patuloy na pagtitiwala sa kanya. “Nagpapasalamat ako dahil nabibigyan ako ng pagkakataong gawin yung mga ganitong roles, at dahil dito mas lalo pa akong nai-inspire na pagbutihin ang ginagawa ko,” dagdag ni Ken.


Patuloy din ang biyaya na natatanggap niya dahil nitong Hulyo lamang ay naipalabas na ang kanyang international toothpaste endorsement at naging maganda ang pagtanggap ng mga tao rito. Patuloy niyang pinalalawak ang kanyang kakayanan sa pag-arte, kaya tiyak na mas marami pa ang aabangan sa Kapuso actor.

No comments:

Post a Comment

Get Widget